It’s Complicated: Paggalugad sa Relasyong Ekstramarital ng mga Tauhan sa Nobelang Mga Haliging Inaanay ni Efren Abueg

  • Deidre Morales
Keywords: ekstramarital, relasyon, Efren Abueg, Mga Haliging Inaanay, diskurso, discourse analysis

Abstract

Hindi na bago ang tema ng mga akdang tumatalakay sa pag-iibigan at pakikipag-relasyon –tama man ito o mali sa pananaw ng sino man. Sa maraming nobela at maikling kuwento, lalo na sa mga nailabas sa lingguhang magasin gaya ng Liwayway, namumutiktik ang mga kuwentong romansang nagpapakita ng nasabing tema. Ilan lamang dito ang mga gawa ni Efren R. Abueg na higit na kilala sa pagsulat ng mga prosang nagmumulat sa kalagayan ng lipunan gaya ng mga matatagpuan sa Mga Agos sa Disyerto (1964). Taglay ng kanyang ilang mga katha ang naratibo ng mga tauhang umiibig at pumapasok sa isang relasyong tinitingnan bilang “ekstramarital.” Sa papel na ito, susuriin ang diskurso ng relasyong ekstramarital sa de-seryeng nobelang Mga Haliging Inaanay na inilimbag sa Liwayway mula Marso 1987 hanggang Enero 1988. Bahagi ng gagawing pagsusuri ang mga diyalogo ng mga tauhan sa nobela. Gagalugarin dito angkatawaganat kahuluganngrelasyongkinapapaloobanngmgatauhan kaugnay ng mga pananaw mula sa iba’t ibang institusyong bumubuo sa lipunan. Iuugnay rin ang nobela sa ilang pelikula at palabas sa telebisyon sa kasalukuyan na nakasentro sa relasyong ekstramarital upang maikumpara at maipagtunggali rin ang paraan ng pagtalakay ng mga ito sa temang nabanggit, maging ang paraan ng pagtanggap ng mga tao rito. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, inaasahang makapagbibigay-daan ito sa pagpapalawak ng pag-unawa sa diskurso ng itinuturing na masalimuot na relasyon hindi lamang ng mga piksiyonal na tauhan, kundi ng mga tao sa lipunan.

Published
2024-06-07